Luis Changco

Ateneo Heights Artists Workshop 11 Fellow

Works

No items found.

Burn in Eden

Acrylic

Burn in Eden

Acrylic

Self-portrait

Acrylic

Self-portrait

Acrylic

why

Acrylic

why

Acrylic
No items found.

Burn in Eden

Acrylic

Burn in Eden

Acrylic

Self-portrait

Acrylic

Self-portrait

Acrylic

why

Acrylic

why

Acrylic

Personal Essay

Personal Essay:

Tugon at Determinasyon

Ang aking mga likha ay ang aking tugon sa karimlan ng aking buhay. Mga karanasang nagpadilim ng aking isipan. Mga pangyayaring kailanman ay hindi maibabaon sa limot. Itong mga obra ay bunga ng aking mga karanasang binago ang aking tingin sa mundo. Sa karimlan na ito ay aking hinahanap ang liwanag.

Lumilikha ako para maihayag ang aking damdamin at mga hinanakit. Nagsilbing tulay ito sa aking katinuan at maiwasan ang pagkabalisa. Aaminin kong mahirap mabuhay ng may depresyon ngunit andyan ang sining para ako ay buhayin. Hindi lang ako lumilikha para sa aking sarili, kundi para rin makapukaw ng damdamin ng iba. Mabigyan sila ng pag-asa at liwanag ng aking mga obra. Sa aking karera bilang isang manlilikha, ako ay nagsimula sa paggawa ng mga dibuho ng tao. Ako ay tinulak ng aking ina na pagpursigihan ang pagguhit. Sa paglipas ng panahon, aking sinubukan ang pagpipinta. Naging istilo ko ang paggamit ng simbolismo at alegorya sa paghayag ng mga mensahe. Sa anim na taon ko bilang manlilikha, masasabi kong ako ay patuloy na nabuhay, nagpakatatag at humusay.

Ninanais kong magkaroon ng mas malawak na karanasan at kaalaman sa aking sining. Patuloy na makapukaw ng mga damdamin at gamitin ito sa tama. Iambag ang aking talento sa paglago ng lipunan. Walang saysay ang ating buhay kung wala tayong mga obrang nagbibigay buhay sa ating identidad. Ibig kong matutunan ang iba pang mga istilo at teknik sa aking medium. Bukas din ako sa kahit anong kaalamang maibibigay sa akin ng palihan. Mithiin kong mapayabong at mapagyaman pa ang aking mga karanasan. Nawa ay mapasama ito sa aking mga sasalamisim na alaala.

Nakatulong ang AHAW 11 mabigyang diin pa ang kahalagahan ng aking ginagawa at higit pang mapalawak ang aking kaalaman. Nakakatuwa mapalibutan ng mga talentadong indibidwal na handang magpahayag ng kanilang mga damdamin at magbigay dagdag payo sa iba’t-ibang uri ng sining. Hindi ko malilimutan ang koneksyon na aking natagpuan sa mga panelista. Lalo akong determinado na huwag matakot ilabas ang aking sarili. Nais ko ulit maranasan ito at lalo pang matuto. Ako ay lubusang nagpapasalamat sa AHAW 11 sa pagkilala sa aking mga obra at sa pagbibigay ng pagkakataon na ako ay maging bahagi nito. Higit ko pang pagbubutihin at dadalhin ang mga aral at karanasan na aking natamasa rito, patuloy na tutugon na buo ang determinasyon.